Close

Gatchalian, pinababawasan ang SLEX toll rate

Sponsor ads


Inirekumenda ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapababa o pagsuspindi sa toll rates sa South Luzon Expressway sa gitna ng problema sa trapiko na idinudulot ng nagpapatuloy na konstruksyon ng Skyway extension project.

Ayon sa senador, ang gridlock na nararanasan sa SLEX araw-araw ay resulta ng kakulangan ng mga kumpanya at ng mga ahensya ng gobyerno sa pagpapalano dahil sa kawalan umano ng mitigating measures para sa maapektuhang motorista at commuters ng konstruksyon.
Iginiit ni Gatchalian na nais niyang mabigyan ng kahit kontingting ginhawa ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtapyas ay pag-suspend sa toll rates.

Meron nang reklamo ang inihain sa Toll Regulatory Board para matugunan ang isyu.

Sinabi ni Gatchalian na pwedeng magpatawag ang TRB ng hearing, dahil dumadaan sa kanila ang lahat ng konstruksyon.

Dapat anya ay ma-analisa nila kung ano ang pwede nitong gawin para maibsan ang perwisyo na idinudulot ng konstruksyon ng kalsada.

Samantala, ang 6-kilometer extention ng Skyway mula Barangay Cupang hanggang Susana Heigts sa Muntinlupa City ay inaasahang makukumpleto sa December 2020.


(Photo via: GMA News // Danny Pata)