Close

Garcia at Spence pasok sa weight limit

Sponsor ads


Kapwa pasok sa 147-pound limit sa isinagawang official weigh-in sina IBF welterweight champion Errol Spence Jr. (24-0, 21 KOs) at Mikey Garcia (39-0, 30 KOs) para sa gaganaping laban bukas.

Tumimbang si Spence ng 146.5 lbs habang mas magaan naman ni Garcia na nagtala ng official weight na 145 lbs.

Batay naman sa online at Las Vegas sports books nasa 4-1 favorite si Spence kesa kay Garcia dahil sa size advantage nito.

Magugunitang isa si Spence sa mga maugong na pangalan na posibleng sunod na makalaban ni pambansang kamao Manny Pacquiao.

Samantala, magaganap naman ang Spence vs Garcia bukas sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas.