Close

Gadon: 30 solons na pumabor sa impeachement 'overwhelming'

Ikinalugod ni Attorney Larry Gadon ang paglusot ng kanyang inihaing impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos ideklarang sufficient ang form at substance nito.

Ayon kay Gadon, nakakagulat na tatlumpung kongresista ang pumabor sa complaint na ibinatay sa authentic documents na hawak niya.

Pero binatikos ng abogado ang iginigiit ng apat na mambabatas na hearsay o sabi-sabi lang at kinuha sa diyaryo ang mga ebidensya niya dahil galing na aniya sa Korte Suprema ang 384 pages na certified true copy documents.

Sana umano ay binasang mabuti ang reklamo at binusisi bago bumoto kontra sa sufficiency kaya kalokohan ang iginigiit nilang hearsay lalo pa't si House Majority Leader Rudy Fariñas ang nagbasa ng en banc resolution.

Samantala, aminado naman si VACC Founding Chairman Dante Jimenez na wala na silang magagawa kung nabasura ang kanilang impeachment complaint dahil first time nila na maghain laban sa isang punong mahistrado.