Close

Gaballo, Duno, parehong na-KO ang mga dayuhang katunggali

Sponsor ads


Kapwa dinomina ng mga Pilipinong boksingero ang kanilang mga nakatapat na dayuhan sa parehong 2nd round ng kanilang mga laban sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City.

Nakamit ng World Boxing Association interim bantamweight champion Reymart Gaballo ang panalo matapos ma-technical knock-out ang Japanese nitong katunggali na si Yuya Nakamura.

Naging tensyonado naman ang pag-knock out ni Romero Duno sa kalaban niya na si Kuldeep Dhanda ng India.

Tumumba kasi si Dhanda na una ang kanyang mukha sa canvass habang ilang minuto din siya nawalan ng malay bago siya nakatayo at nakalakad muli.

Dahil dito ay napunta ang bakanteng World Boxing Association Asian lightweight crown kay Duno at magkakaroon din siya ng pagkakataon na maging undercard sa middleweight unification bout sa pagitan nina Canelo Alvarez at Daniel Jacobs sa Las Vegas.

(Photo: KZ Cruz via ESPN)