Close

GSW, back-to-back champion

Sponsor ads


Itinanghal na back-to-back champions ang Golden State Warriors sa National Basketball Association matapos nitong walisin ang Cleveland Cavaliers sa Game 4 sa score na 108-85.

Nakamit ng Warriors ang ikatlong titulo sa loob lamang ng apat na taon sa pangunguna ni star point guard Stephen Curry na pumukol ng 37 points, 6 rebounds at 4 assists.

Si Forward Kevin Durant naman ang nakakuha ng Finals Most Valuable Player recognition matapos mag-average ng 28.8 points per game sa loob ng apat na laro sa serye.

Binuhat pa rin ni Cavaliers star LeBron James ang kanyang koponan na nagtala ng 23 markers, 7 boards at 8 assists.

Nagawa pang lumamang nang isa ng James-led squad sa second period ngunit tuluyang lumayo ang Warriors sa ikatlo at ikaapat na yugto at tinambakan sila nang hindi bababa sa labingwalong puntos.

Ito na ang ikatlong kampeonato sa coaching career ni Steve Kerr gayundin ng star players na sina Curry, Klay Thompson at Draymond Green. - Hajji Kaamiño