Close

GSW, Raptors, parehong nag-aalala sa injury ni KD

Sponsor ads


Hindi lang ang Golden State Warriors, kungdi pati ang Toronto Raptors ang nag-aalala para sa kundisyon ni Kevin Durant.

Kasunod ng naipanalong laro ng GSW na nagtapos sa 106-105, ay wala sa dalawang teams na kabilang sa NBA finals series ang nagdiwang.

Ayon kay Toronto forward Kawhi Leonard, "devastating" ang nangyari noong gabi ng Game 5.

Hindi ang pagkatalo ng kanyang kuponan ang tinutukoy ni Leonard kungdi ang Achilles injury na tinamo ni KD.

Ayon naman kay Raptors coach Nick Nurse, gustong gusto niya na pinanonood si KD na maglaro at nakakagulat anya na makita ang isa sa mga pinakamagaling na manlalaro sa NBA na bumagsak dahil sa injury.

Kung maalala ay emosyonal na ibinalita ni Warriors general manager Boby Myers sa postgame news conference na hindi na simpleng strained calf muscle injury ang nararanasan ni Durant dahil isa na itong Achilles injury.

Matatandaan na malaki ang naging ambag ni Durant sa huling dalawang NBA championships ng Warriors.

Sa ngayon ay nasa 3-2 na ang standing ng serye.