Close

GPS trackers, ilalagay sa domestic violence offenders sa Israel

Sponsor ads


Inihayag ni Israeli Prime minister Benjamin Netanyahu na magsasagawa sila ng crack down kontra domestic violence kaya lalagyan ng pangil ang mga penalties at gagamit ng GPS trackers sa pagtugis sa mga offenders.

Ito ay sa gitna ng nationwide protests na hindi umano sapat ang ginagawa ng Israel para protektahan ang kanilang kababaihan mula sa karahasan.

Kaya naman nagpatawag ng special ministerial meeting si Netanyahu kahapon para pag-usapan ang isyu kasama ang paggastos sa pondo na nakalaan para sa nasabing panukala.

Giit ni Netanyahu, ang karahasan laban sa mga babae ay isang terorismo kaya committed ang gobyerno na maisakatuparan ang pagresolba rito.

Nangako rin ang Israeli PM na magbibigay sila ng balikat na masasandalan para sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso, na sapak umano sa mga mapang-abusong lalaki.

Plano ni Netanyahu na magconvene ng isang komite kada dalawang linggo para matiyak na naisasakatuparan ang kanilang plano.

Kasama umano rito ang pagbuo ng mas matinding parusa sa mga abuser at pagsusuot ng GPS devices ng abusers para ma-track ng mga otoridad ang kanilang galaw na magpipigil sa kanilang abusuhin o i-istalk ang kanilang mga biktima.