Close

GCTA list na isinumite ng BuCor,mali ang detalye?

Sponsor ads


Kabilang ang pangalan ng pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles sa mga bilanggo na eligible para sa maagang paglaya sa tulong ng Good Conduct Time Allowance law.

Ito ay batay sa datos na isinumite ng Bureau of Corrections o BuCor.

Laman ng listahan ang nasa 2,000 pangalan na napalaya mula June 2014 hanggang August 2019.

Kapansin pansin ang tila maling mga detalye na nakasaad sa listahang binigay ng BuCor dahil nakasaad rito na napalaya na noong 2018 ang isang Janet Lim Napoles na sangkot sa kasong rape.

Pero mababatid na ang kasong kinakaharap ng tinaguriang pork barrel queen ay plunder.

Isang Rolito Tambunting Go rin ang napalaya umano noong 2016 na sangkot rin sa kasong rape.

Kapangalan ito ng isang negosyante na si Rolito Go na nasitensyahan dahil sa kasong murder.

Sa ngayon ay tikom pa ang bibig ng BuCor hinggil rito.