Close

From Goofy to Grizz: Inakalang tuta, isang oso pala!

Sponsor ads


Kinailangang ibigay ng isang Chinese family sa animal center ang inampon nilang “puppy” dalawang taon na ang nakakaraan matapos nilang mapag-alaman na isa pala itong Asiatic black bear.

Inakala umano ng pamilya ni Su Yun na isang Tibetan Mastiff na tuta ito noong 2016 pero laking gulat nila nung makita kung gaano kalakas itong kumain dahil nakakaubos daw ito ng isang kahong prutas at 2 bucket ng noodles sa loob lamang ng isang araw.

Hindi rin daw ito tumigil sa paglaki hanggang bumigat na ito ng 250-lbs at nakaya nang maglakad patayo.

Ganito rin umano ang nangyari sa isa pang residente ng Yunnan province na pinagkamalang aso ang isang oso na ngayo’y nasa pangangalaga na rin ng lokal nilang Wildlife Rescue Center.