Close

French pranksters, pinalitan ng brandy ang Holy Water

Nadiskubre ng ilang turistang bumisita sa isang simbahan sa bayan ng Chateau-Chalon sa France na brandy ang laman ng font na para sa holy water.

Nagtaka at nagulat ang mga turista kung bakit amoy eau-de-vie o clear fruit brandy ang holy water.

"I made the sign of the cross and it smelt like eau-de-vie. Is this a local tradition?" saad ng isang turista sa isang opisyal mula sa isang visitor centre

Agad namang inimbestigahan ng mga opisyal ang naturang insidente.

"A litre of brandy had been poured into both of the fonts, you really smelt the alcohol when you walked into the church," pahayag ng local tourism official na si Pauline Fisseau.

Ang nasabing simbahan ay hindi umano madalas na ginagamit para sa mga regular na misa kung kaya naman madalas ding walang lamang ang mga font nito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang pranksters na gumawa nito at maging ang motibo nila ay kasalukuyan pa ring inaalam. //OJT/Angelu Mae Nogales