Close

French cardinal gustong makausap si Pope Francis dahil sa issue ng sex abuse

Sponsor ads


Nais makausap ng French cardinal na si Philippe Barbarin si Pope Francis matapos siyang mahatulan ng pagkakakulong dahil sa bigong pagsumbong sa pari sa kanyang nasasakupan na dawit sa sex abuse.

Agad namang pinaunlakan ng Santo Papa ang hiling na private audience ni Barbarin kaya sa darating na Lunes ay inaasahang magkikita ang dalawa sa Vatican.

Ito ang kinumpirma ng ilang French officials.

Nahaharap ngayon si Barbarin sa anim na buwang pagkakakulong dahil sa tila pagtatakip sa pari na si Bernard Preynat.