Close

French bulldog, nagpalamas ng Skateboarding talent

Sponsor ads


Nagviral ang isang pet French bulldog matapos magpamalas ng kanyang skateboarding skills sa indoor skate park.

Makikita sa video ang isang 5-year-old French bulldog na si "Sonya" na nag i-skateboarding sa palibot ng indoor park, gamit ang isa sa kanyang back legs para ipantulak habang nakatayo sa board.

Ayon sa may-ari na si Dmitry, nagsimula ang kanyang alaga na mag-skateboarding nung ito ay puppy na umaakyat sa board.

Sa ngayon, sinasamahan na umano siya ng kanyang aso sa skate park, dalawang beses sa isang linggo, bilang bahagi na rin ng kanilang bonding.