Close

Free na jackpot pa: Lalaki, instant multi-millionaire mula sa libreng lotto ticket

Sponsor ads


Inulan ng swerte ang isang lalaki matapos manalo ng $4.38 million na lotto jackpot nang itaya ang ticket na nakuha niya ng libre sa isang promotion.

Ang inanunsyong anim na numero ng Lotto America draw nitong nakaraang Sabado: 8-15-18-32-45 at Star Ball 1, ang mismong tinayaan ni Chuck Anderson ng Davenport, Iowa.

Aniya, wala talaga umano siyang balak na sumali sa draw kun hindi lang siya nakatanggap ng libreng lotto ticket kalakip ang Powerball game ticket na binili niya unang linggo pa lang nitong buwan sa Kwik Star store sa kanilang lugar.

Bagama't alam niyang namimigay talaga ang Iowa Lottery ng “Lotto Surprise” free plays ay hindi pa rin siya lubos na makapaniwala sa pagkapanalo at aantayin na lamang niyang mai-deposito na ang pera sa kanyang bank account.