Close

Former Knicks star Patrick Ewing tinamaan ng COVID-19

Sponsor ads


Kinumpirma ni dating New York Knicks star Patrick Ewing na nagpositibo ito sa corona virus disease.

Sa kanyang official twitter account sinabi ni Ewing lumabas sa test na nagpositibo siya sa COVID-19.

Hindi din umano dapat maliitin ang banta ng naturang virus.

"I want to share that I have tested positive for COVID-19. This virus is serious and should not be taken lightly," bahagi ng tweet ni Ewing.

Sa opisyal na pahayag naman ng Georgetown University coach ito ng men's basketball team, kasalukuyang isolated ito sa isang local hospital.

Si Ewing ay isa sa mga explosive player ng New York Knicks noong dekada 80 at 90 kung saan naglaro siya sa loob ng 15 seasons.