Close

Fontana Corp., walang kinalaman sa illegal medical facility

Sponsor ads


Fontana Development Corporation, hugas kamay kaugnay ng ilegal na ospital ng mga Chinese patients na umano'y may COVID-19 sa loob ng kanilang leisure park sa Pampanga

Iginiit ng Fontana Development Corporation na wala silang kinalaman sa sinasabing ilegal na ospital ng mga Chinese patients ng COVID-19 sa loob ng kanilang leisure park sa Pampanga.

Sa isang statement, sinabi ng korporasyon na ang nasabing illegal medical facility ay natagpuan sa isang residential villa sa loob ng Fontana Leisure Parks and Estate pero wala umano silang kontrol dito dahil isinailalim na ito sa kontrol ng Shidaikeji Technology Corporation, matagal nag locator ng Clark Freeport Zone.

Ayon pa sa Fontana, lahat ng casino at junket operations nila sa loob ng kanilang property ay matagal nang sinuspinde alinsunod sa community quarantine ng pamahalaan.

Dagdag nila, nang matanggap ang order mula sa Clark Development Corporation noong March 20,2020, sinabihan nila ang Shidaikeji na sagutin ang mga alegasyon at sinabi umano nitong ginagamit ang kanilang villa para sa sarili nitong mga empleyado at di nago-operate bilang COVID-19 clinic.

Binigyang diin ng leisure park na suportado nila ang pamahalaan at paglaban nito sa COVID-19 kaya't pinayagan nilang gamiting isolation at quarantine facility para sa mga PUIs ng libre ang kanilang Fontana Convention Center.