Close

Flores, aapela sa 'controversial loss' vs Rigondeaux

Plano rin umanong kuwestyonin ni WBA Interim Super Bantamweight titlist Moses Flores (25-1, 17 KOs) ang resulta ng laban nila ni WBA Super Bantamweight champion Guillermo Rigondeaux (18-0, 12 KOs), matapos ang kontrobersiyal na desisyon ng Nevada State Athletic Commission.

Una rito, idineklara ng komisyon na "legal" ang naging suntok ni Rigondeaux, sa kabila nang naunang pagtunog ng bell sa pagtatapos ng first round. Wala rin umanong paliwanag na inilabas ang komisyon sa kanilang controversial ruling.



Kasabay nito, tumanggi namang patulan pa ng Cuban boxer ang mga patutsada ni Flores, sa halip, plano umano nitong paghandaan na ang posibleng catchweight fights kay former pound-for-pound king Roman “Chocolatito” Gonzalez at current WBO Super Featherweight champion Vasyl Lomachenko. (photo: fightnews.com)