Close

Flights sa Heathrow airports, naantala dahil sa isang drone

Sponsor ads


Nagdesisyon ang Heathrow airports sa London na pansamantalang ipatigil ang kanilang flights matapos makakita ng isang drone.

Paliwanag ng tagapagsalita ng paliparan, ang naturang precautionary measure ay para makaiwas sa anumang hindi inaasahangpangyayari.

Umabot ng higit isang oras bago bumalik sa normal ang operasyon ng paliparan.

Matatandaan naman na naantala rin ang flights sa Gatwick Airport noong nakaraang buwan matapos ring makitaan ng drone.