Close

First tranche ng imported rice, dadating ngayong July-NFA

Inaasahang dadating na ngayong Hulyo ang first tranche ng 250,000 metric tons ng imported na bigas para sa augmentation ng national stock nito.

Ayon kay NFA spokesperson Marietta Ablaza, hinihintay na lamang nilang aprubahan ng NFA Council ang resolution ng terms of reference ng importasyon.

Mababatid na una nang nirekomenda ng National Food Security Council ang agarang importasyon ng 250,000 metric tons ng bigas para mapalakas ang buffer stock ng NFA pagdating ng panahon na mahina ang pag-aani.

Ang importation ng bigas ngayong taon ay gagawin sa pamamagitan ng government to private schem upang matiyak na sapat ang suplay nito pagdating ng lean months mula Hulyo hanggang Setyembre.

Dagdag ni ablaza, prayoridad ngayon ng ahensya ang pangangailangan ng bigas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine National Red Cross (PNRC) at ng mga local government units (LGUs) sa oras ng kalamidad.