Close

First-ever luxury hotel sa space, ilulunsad sa 2021

Sponsor ads


Para sa mga bakasyonistang nais magbakasyon kung saan wala pang nakakapunta, ito na ang hinahanap nyo; ang first-ever luxury hotel sa outer space.

Sa ginanap na Space 2.0 summit sa San Jose, California, inanunsyo ang Aurora Station project plans na kayang magdala ng anim na tao kasama ang dalawang crew members na mae-enjoy ang first-class accommodation sa labas ng mundo sa loob ng 12 araw.

Once in a lifetime experience ang maibibigay ng nasabing kauna-unahang luxury hotel in space kung saan mararanasan ng mga guests ang zero gravity habang nagsa-sight seeing ng tanawin sa kalawakan.

At hindi lang iyan, masasaksihan din ang paglubog at paglitaw ng araw ng 16 na beses.

Kasama rin sa agenda ng nasabing project ay tsansang makasama ang mga guests sa research experiments gaya ng growing of food, subukan ang state-of-the-art virtual reality technology sa holdeck, at high speed internet para sa mga ayaw magpahuli sa pagpo-post ng kanilang photos o Snapchat stories.

Ayon kay Frank Bunger, chief executive officer at founder ng developer Orion Span, bubuksan ang hotel sa 2021 at tatanggap ng guests sa 2022.

"Upon launch, Aurora Station goes into service immediately, bringing travellers into space quicker and at a lower price point than ever seen before, while still providing an unforgettable experience." ani Bunger.

Goal umano ni Bunger na maging "accessible" sa lahat ng outer space.

Gayunman, bago ka makasampa sa Aurora station, kailangan mo munang sumailalim sa tatlong buwang training regime sa company facility sa Houston, Texas.

Magkakahalaga ito ng tumataginting na $9.5 million.

Pwede nang magpa-reserve at mag-deposit online ang mga nais mag-avail ng unforgettable experience sa outer space sa halagang $80,000.

"Aurora Station is incredibly versatile and has multiple uses beyond serving as a hotel," dagdag pa ni Bunger.