Close

First batch ng players para sa Feb window ng FIBA, nagtungo na sa training bubble sa Laguna

Sponsor ads


Nagtungo na sa training bubble sa Calamba, Laguna ang first batch ng mga manlalaro na kabilang sa Gilas Pilipinas pool para sa February window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.

Kabilang sa pool ang 2019 PBA Rookie Draft selections na sina Isaac Go, Matt Nieto, Mike Nieto, at Rey Suerte.

Nasabihan rin na sumali muli sa training ang Gilas cadets mula sa pangkat na naglaro noong November window tulad nina Calvin Oftana at Kemark Cariño ng San Beda University, at iba pang collegiate standouts na sina Javi Gomez de Liano ng UP, Dave Ildefonso ng ADMU, Justine Baltazar ng DLSU, at William Navarro ng ADMU.

Kumumpleto naman sa first batch sina Kiefer Ravena ng NLEX Road Warriors, at Ateneo big man Angelo Kouame, na candidate para sa naturalization.

Inihayag naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na pinatunayan na ng naturang players ang kanilang dedikasyon sa Gilas program at ipinakita rin nila ang kakayahan na makipaglaro bilang isang team tulad ng nakita nila sa dalawang laro kontra Thailand sa last window.

Samantala, inaasahan naman na papasok sa Gilas training bubble sa January 22 ang second batch ng players mula sa PBA.