Close

First Lady ng Brazil, positibo sa COVID-19

Sponsor ads


Nagpositibo sa COVID-19 si Brazil first lady Michelle Bolsonaro.

Nakumpirma ito sa pahayag ng press office ni President Jair Bolsonaro.

Sinabi sa pahayag na nasa pangangalaga na ng medical team ng presidente ang first lady.

Huling nakitang nasa publiko si Michelle Bolsonaro noong tanghali ng Miyerkules nang daluhan niya ang isang official event sa Barsilia kasama ang mister nito.

Una nang nagpositibo si President Bolsonaro sa COVID-19 noong July 7, ngunit nagnegatibo rin matapos ang dalawang linggo.

Sa ngayon ay lumampas na sa 17.1-million ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo kung saan ay nangunguna ang US na may mahigit 4.4-million na kaso.

Base rin sa tala ng John Hopkins Resource Center ay naitala ang 669,256 na global death toll, at mahigit 10-million na recoveries.