Close

Firearm, ammo, P6M narekober sa bahay ng alkalde sa Surigao Norte

Sponsor ads


Nakumpiska ng mga otoridad ang iba't-ibang uri ng baril at bala, mula sa bahay ng isang alkalde sa Surigao del Norte.

Maliban dito, narekober rin ng mga pulis ang nasa P6 million cash sa bahay ni San Francisco Mayor Guia Nimez Plaza-Sabanal.

Una nito, nang dumating ang mga pulis dala ang search warrant sa bahay ng alkalde ay agad tumakas ang grupo ng mga kalalakihan na pinaniniwalaang taga-suporta ng alkalde kung saan naiwan ang isang sling bag at doon nakita ang caliber .38 revolver, five rounds ng .38 caliber revolver, at isang fragmentation grenade.

Nakita rin ang ilang mga sample ballots sa naturang operasyon, listahan ng mga botante at ang kanilang mga precinct numbers.

Dahil dito, inimbitahan ng mga pulis si Sabanal para sa karagdagang imbestigasyon, bagama't itinanggi nito na sa kanya ang mga armas at pampasabog na nakuha at agad naman na pinakawalan.

Hindi naman ito nagkomento hinggil sa pera na narekober.