Close

Fil-Am na si Brickman, inaasikaso pa mga papeles para makasali sa PBA draft

Sponsor ads


Kinumpirma ni PBA Deputy Commissioner Eric Castro na meron pang mga dokumento na kailangang makuha ang Fil-Am guard na si Jason Brickman mula sa gobyerno bago ito makasali sa PBA draft.

Bagama't may lehitimong Philippine passport si Brickman ay kailangan pa rin nito makakuha ng permiso mula sa Bureau of Immigration at Department of Justice.

Sa ngayon ay hirap ang two-time US NCAA Division I assist leader sa pagkuha ng mga dokumento mula sa BI at DOJ dahil sa pagbabago sa interpretasyon ng batas sa dual citizenship ng isang dayuhan na ipinanganak sa ibang bansa ngunit may lahing Pilipino.

Ayon sa player agent na si Charlie Dy, ipinanganak ang basketbolista sa panahon na naging US citizen na ang ina nito na si Elizabeth Soriano.

Sinabi ni Dy na nasabihan na niya ang Samahang Basketbol ng Pilipinas kaugnay sa kaso ni Brickman at naiapela na rin niya ito sa ilang mga senador at congressmen.

Ipinunto ni Dy na dahil sa nagbagong interpretasyon ay mahihirapan ang programa ng SBP para sa recuritment ng Filipino-foreigners dahil hindi na pinapayagang maging Filipino citizens ang mga young talents na ipinanganak sa ibang bansa sa panahon na hindi na Filipino ciizens ang kanilang mga magulang.

(Photo from Asean Basketball League)