Close

Fertility doctor kinasuhan matapos gamitin ang sariling "sperm" sa kanyang mga client

Sponsor ads


Isang class-action lawsuit ang isinampa laban sa isang fertility doctor sa Canada.

Ito ay matapos madiskubre na ginagamit ng doktor na si Norman Barwin ng Ottawa ang sarili niyang "sperm" sa kanyang mga pasyente.

Nagmatch kasi ang DNA ni Barwin sa 11 indibidwal matapos niyang iinseminate ang sariling sperm sa mga ito nang wala man lang paalam.

Bukod pa rito, 16 katao ang napag-alamang hindi match sa kanilang ama, at 35 naman ang hindi rin tumugma sa kanilang intended donor.

Mula naman taong 1986 hanggang 2007, apat na babae rin ang naturukan niya nang maling sperm bagay naman na inamin nito.