Close

Ferguson vs Khabib tuloy sa kabila ng UFC suspension

Sponsor ads


Tiniyak ni UFC president Dana White na matutuloy ang laban nina Tony Ferguson vs Khabib Nurmagomedov sa Abril 18, 2020.

Ito ay sa kabila ng anunsiyo ng UFC na kanselado ang lahat ng laban nito dahil sa corona virus pandemic.

Ayon kay White posibleng matuloy ang laban subalit gaganapin ito sa labas ng Estados Unidos.

Sa ngayon kasi ay mahigpit na ipinagbabawal sa U.S ang lahat ng live sporting events dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon naman kay UFC veteran Daniel Cormier magiging kaabang-abang ang mga laban sa UFC na tinukoy nitong “massive events every week” kapag magbalik na sa normal ang sitwasyon.