Close

Fastest growing economy ng PH, maipapanatili dahil sa TRAIN

Sponsor ads


Ikinatuwang ng Malakanyang ang report ng World Bank na nananatiling fastest growing economy ang Pilipinas sa Southeast Asia.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, masayang ibinalita ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang January 2018 Global Prospects report ng World Bank na mapapanatili ng Pilipinas sa susunod na tatlong taon ang mabilis na paglago ng ekonomiya.

Ayon kay Roque, sa tulong ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, asahan ng mga Pilipino na mananatili ang bansa bilang isa sa mga top performing economies sa Asya.

Ito umano ay dahil mapapalakas ng TRAIN Law ang infrastracture spending dahilan para magkaroon ng substantial increase sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ngayong 2018.

Mahalaga rin umano ang infrastracture programs ng administrasyong Duterte para sa paglago ng mga negosyo sa bansa.