Close

Fam escapade gone wrong: Pamilya hinabol ng cheetah sa Safari Park

Sponsor ads


Muntik ng maging merienda ng mga cheetah ang isang isang pamilya na noo’y dumalaw lamang sa Beekse Bergen Safari Park, Benelux region ng Netherlands.

Ayon sa mga nakasaksi, bumaba ng sasakyan ang mag-anak upang makita ng malapitan ang mga cheetah na nagpapahinga sa isang lugar sa park at agad na bumalik na ang mga ito sa kanilang sasakyan.

Nangbumaba ulit mula sa kanilang sasakayan ang mag-aanak ay bigla silang hinabol ng kilalang fastest land animals at maswerteng agad na nakapasok sa kanilang kotse.

Swerte naman na nakapasok na muli sa loob ng sasakyan ang ginang at maliit pa niyang anak ilang segundo bago lumundag ang isang cheetah.

Ayon naman sa manager ng nasabing safari park na si Niels de Wildt, ilang beses na umano nila pinaaalalahanan lahat ng mga bisita na ‘wag lalabas sa kanilang mga sasakyan lalo na sa gitna ng park grounds.

Nilinaw naman ni Wildt na hindi naman daw masyadong gutom ang mga cheetah ‘pagkat meron silang food schedule na sinusunod.