Close

Fake News Law ng Malaysia, aamyendahan

Sponsor ads


Inihayag ni bagong talagang Malaysia Prime Minister Mahathir Mohamad nitong ika-12 ng Mayo sa isang news conference na hindi ibabasura ang naisabatas na Anti-Fake News Law 2018 at sa halip ay aamendahan ito.

Matatandaang naluklok muli sa pwesto ang ngayo’y world’s oldest elected leader sa edad na 92-anyos nitong May 9 poll matapos matalo ang noo’y incumbent Najib Razak na nahaharap sa kasong graft and corruption.

Paliwanag ni Mahathir, bibigyan ng bagong depinisyon ang nasabing batas na naipasa noong termino pa ni Razak upang maging malinaw ang pagtukoy sa false news at pinabulaanan ring hindi nito lilimitahan ang kalayaan ng press hangga’t ‘di magbubunga ng kaguluhan sa bansa ang ilalabas nilang mga balita.

Sinasaad ng naaprubahang bill na ang fake news ay anumang balita, impormasyon, at ulat na pawang o bahagyang kasinungalingan na kumakalat sa pamamagitan ng feature, visuals, o audio recordings man.

Bukod rito, mayroon ring Sedition Act na naipasa ang Malaysia na siyang tumutugis sa hindi magagandang social media news at posts gaya ng isinagawang plano ng Germany nitong nakaraang taon na nagbigay multa sa mga social media networks na patuloy pa rin sa hateful postings. // AJ NGUHO (OJT)