Close

Face shields, hindi substitute para sa face mask —expert

Sponsor ads


Nagpaalala ang mga eksperto na hindi dapat gamitin ng mga tao ang face shields bilang substitutes para sa face masks sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, Director of the Institute of Molecular Biology and Biotechnology sa University of the Philippines Manila - National Institutes of Health (UPM-NIH), na ang face shields ay mas magandang isuot na mayroong face masks.

Dagdag ni Salvaña, ang face shields ay nakakabawas sa transmission ng COVID-19 nang 80%, ngunit hindi ganuon kaepektibo gaya ng face masks.

Dahil dito, ipinapayo ni Salvaña na batay sa mga eksperto, ang mga empleyado na required na magkaroon ng direct contact sa mga tao ay kailangang magsuot ng parehong face shields at face masks, at ang mga pasahero naman ay kailangan ring suotin ang dalawa kapag sasakay sa mga public transportation.