Close

FOI, itutulak ni Poe pag maluklok muli sa pwesto

Sponsor ads


Kani-kaniyang gimik ang mga kandidato sa pagka senador at pagka-party-list representatives sa pag-arangkada ng campaign period kahapon para sa May 13 elections.

Gaya na lamang ni Senadora Grace Poe na tatayong independent candidate para sa darating na halalan.

Sa unang araw ng kampanya, binisita ni Poe ang mga mag-aaral sa Payatas, Quezon City.

Dito nangako ang senadora na itutulak nya ang freedom of information skapag naluklok sya muli sa pwesto.

Samantala, sinimulan na rin ng grupong Otso Diretso ang kanilang kampanya para sa nalalapit nqa eleksyon sa Caloocan.

Nagbahay-bahay sina reelectionist Senator Bam Aquino, Magdalo Rep. Gary Alejano, dating House Deputy Speaker Erin Tañada, dating solicitor general Florin Hilbay at dating Bangsamoro Transition Committee member Samira Gutoc.

Layunin umano nilang magkaroon ng harapang pakikipag-usap sa taumbayan.