Close

FIBA Asia Cup suspendido dahil sa COVID-19 threat

Sponsor ads


Pansamantalang ipinagpaliban ang mga laro sa 1st window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Ito ay dahil sa banta ng outbreak ng novel corona virus o COVID-19.

Batay sa schedule magkakaroon sana ng laro ang Gilas Pilipinas kontra Thailand sa February 20, 2020 sa Araneta Coluseum.

Maliban dito hindi na rin matutuloy ang road game ng Gilas sa Indonesia sa February 23.

Sa ngayon wala pa naman inilalabas na pahayag ang Samahang Basketbol ng Pilipinas kaugnay sa mga pagbabago ng schedule. //LEYBAGUIO