Close

FEU, naitakas ang panalo kontra ADMU

Sponsor ads


Naitakas ng Far Eastern University ang panalo kontra Ateneo de Manila University sa laro para sa UAAP Season 81 men's basketball tournament na nagtapos sa score na 63-60.

Nakamit ng Tamaraws ang tagumpay sa kabila ng pagkawala ng kanilang high-scorer na si Arvin Tolentino na nasuspinde dahil sa kanyang disqualifying foul na nakuha sa laban kontra Adamson University.

Hindi naman naging maganda ang simula ng Tamarraws matapos silang ibaon ng Eagles sa score na 18-3 sa pagbubukas ng laro at 32-22 naman sa pagtatapos ng 1st half.

Pagpasok ng 2nd half ay pinaigting ng FEU ang dipensa nito na naging dahilan upang mahirapan na maka-score ang Ateneo na may pinakamatinding opensa sa liga.

Sa tulong naman ng mga triples nina Axel Inigo, Hubert Cani, at Brandey Bienes ay unti-unting nakahabol sa score ang FEU.

Nasa 5-2 na ang win-loss card ng FEU matapos ang back-to-back win nito laban sa Adamson at Ateneo.

Kasalukuyan naman tabla sa ikalawang pwesto ang FEU at Ateneo habang nasa 1st place naman ang Adamson na may 5-1 win-loss record.