Close

FDA: Beware of Original Porcelana® Astringent Improved Formula

Sponsor ads


Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at pag-gamit ng ilang produkto ng Original Porcelana® Astringent Improved Formula na minarkahan nila bilang potential health hazard sa mga consumers.

Sa FDA Advisory No. 2019-119, nakitaan umano ang ilan sa mga produkto nito na positibo sa Hydroquinone at Tretinoin, mga ingredients na ipinagbabawal at delikado sa mga cosmetic.

Ayon sa FDA, ang mga consumers na makakagamit ng naturang produkto ay maaring magresulta sa adverse reactions kabilang na ang skin irritation, pangangati, anaphylactic shock at ang malala pa posibleng magresulta sa organ failure.

Dahil dito, pinatitiyak rin ng FDA sa lahat ng mga Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na hindi maibebenta ang Original Porcelana® Astringent Improved Formula sa kanilang mga lugar o areas of jurisdiction.

Ang Porcelana’s headquarters ay matatagpuan sa Apas, Cebu City kung saan ang kanilang mga produkto rin ay karamihang ibenebenta sa Cebu, at sa ibang lugar o bansa sa pamamagitan naman ng online sellers.