Close

FDA: 6 candidate vaccines, maaring isailalim sa trials sa PH

Sponsor ads


Inihayag ng Food and Drug Administration na maaring gawin sa Pilipinas ang clinical trials sa anim na mga candidate vaccines para sa COVID-19.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, naghahanda na ang vaccine developers para sa kanilang aplikasyon na makapagsagawa ng clinical trials sa bansa.

Dagdag ni Dominggo na kapag natapos ang clinical trials phase 3 sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan ay isusunod na ang actual registration at ipapalisensya na itong mga bakuna.

Sinabi rin ng opisyal na batay sa kanilang huling pulong ng World Health Organization, mayroon umanong 166 candidate vaccines para sa COVID-19, at inaasahang lalampas pa sa 200.

Sa naturang bilang, 140 ang nasa early stages na ng clinical trials, o itenest sa mga hayop at maliliit na grupo ng tao habang ang iba naman ay nasa ilalim pa ng clinical trials sa iba't-ibang phases.

Sa huli, nagbabala si Domingo sa publiko laban sa pekeng COVID-19 vaccines na ibenebenta sa merkado.