Close

FDA, parang siniraan ang Sinovac vaccine - Sotto

Sponsor ads


Nababahala si Senate President Vicente Sotto III sa rekomendasyon ng Food and Drug Administration na huwag ipagamit ang Sinovac vaccine sa mga healthcare workers.

Ito ay matapos aprubahan ng FDA ang Emergency Use Authorization para sa COVID-19 vaccine ng Sinovac dito sa Pilipinas.

Ayon kay Sotto, parang siniraan pa ng FDA ang Sinovac.

Iginiit ng senador na nakakatakot pakinggan ang rekomendasyon ng FDA at dapat ay nagdoble ingat ang ahensya sa pagsasabi na hindi pwedeng magamit sa health workers ang bakuna.

Kung maalala ay ipinaliwanag ni FDA Director General Eric Domingo na nasa pagitan ng 65.3% hanggang 91.2% ang efficacy ng vaccine ng Sinovac, ngunit umabot lamang ito sa 50.4% pagdating sa mga health workers na mas exposed sa COVID-19.