Close

FDA, nagbabala sa publiko vs consumption ng liver spread, at iba pa

Sponsor ads


Nagbabala ang Food and Drug Administration sa publiko laban sa pagbili at pagkain ng ilang unregistered food at food supplements.

Sa inilabas na advisory ng DFA, ang mga produkto na hindi rehistrado at walang kaukulang Certificates of Product Registration ay ang RENO BRAND Liver Spread; MIRACLE WHITE Advance Whitening Capsules Food Supplement; TURCUMIN 100% Natural & Standardized Turmeric Curcumin; DESA Spanish Style Bangus in Corn Oil; at SAMANTHA’S DIPS AND SAUCE Spanish Sardines Paste Sauce.

Ibig sabihin ang naturang mga produkto ay hindi dumaan sa evaluation process ng FDA, at hindi matitiyak ng ahensya ang kalidad at safety ng mga ito.

Batay sa Food and Drug Administration Act of 2009, ang manufacture, importation, exportation, sale, offering for sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising o sponsorship ng health products nang walang proper authorization ay mariing ipinagbabawal.