Close

FDA, hihigpitan ang monitoring sa suspected vape related injuries

Sponsor ads


Mas hihigpitan na ng Food and Drug Administration ang monitoring nito sa paggamit ng mga 'electronic nicotine and non-nicotine delivery system' o mas kilala sa tawag na 'e-cigarettes' o 'vape'.

Ito nga ay matapos ang pagkamatay ng limang mga tao sa hindi pa matukoy na dahilan na pagkakaroon ng sakit sa kanilang mga baga.

Ayon kay FDA OIC Health Undersecretary Eric Domingo, inaatasan nila lahat ng mga opsital na isumite sa kanila ang lahat ng mga injuries o karamdaman na posibleng related sa vaping.

Matatandaang sa ulat ng US Centers for Disease Control and Prevention, lima ang napatay sa suspected vape-ralated deaths sa California, Illinoi, Indiana, Minessota at sa Oregon.

Maliban pa ito sa 450 na kaso ng karamdaman sa baga na hinihinala ring dulot ng paggamit ng e-cigarettes.
#