Close

FB, sinuspendi ang nasa 200 apps re: Data misuse probe

Sponsor ads


Sisnuspendi na ng Facebook Inc ang nasa 200 apps sa first stage ng kanilang review sa apps na mayroong access sa large quantities ng user data.

Ito ay bilang tugon sa uman'y data misuse ng political consultancy Cambridge Analytica.

Ayon kay Ime Archibong, Facebook's vice president ng product partnerships, sinuspendi ang mga apps dahil sa pending investigation kung talagang maling nagamit ba ang ilang mga data.

Matatandaan na inanunsyo ng Facebook CEO Mark Zuckerberg ang imbestigasyon kaugnay sa naturang kontrobersiya noong Marso kasunod ng umano'y ninanakaw ang data ng mga users, kabilang ang mahigit isang milyong Pilipino.