Close

Extended interruptions, hindi tatagal sa buong summer season - Manila Water

Sponsor ads


Tiniyak ng Manila Water na ang pinalawig nitong water interruptions ay hindi magtatagal sa buong summer season.

Sa isang advisory ay sinabi ng Manila Water na nararamdaman na ng mga consumers sa east zone ng Metro Manila ang positibong epekto ng rotational supply scheme.

Sinabi din ng kumpanya na nagsimula nang tumaas ang tubig sa iba't-ibang reservoirs at ang suplay nito ay unti-unti nang naipamamahagi.

Umaasa naman ang concessionaire na lalakas pa ang water pressure sa mga susunod na araw.

Matatandaan na inanunsyo ng Manila Water na minamadali na nito ang pagtapos sa treatment plant sa Cardona Rizal, na magiging bahagi ng Rizal Province Water Supply Improvement Project.

Sa ngayon ay nagagawa ng proyekto na maibahagi ang inisyal na suplay na aabot sa 22 million liters per day (mld) at inaasahan na kakayanin nito na makapag-produce ng hanggang 50 mld sa kalagitnaan ng April.