Close

Extended chemo, mas mapapatagal ang buhay ng mga batang may rare cancer

Sponsor ads


Ang pagdagdag pa ng anim na buwan ng low-dose maintenance chemotherapy sa mga batang pasyente na may rare cancer ay mangangahulugang mas mataas na tsansang gumaling at mabuhay ng mas mahaba.

Mula 74% ay tumaas hanggang 87% ang posibilidad na gumaling ang mga batang na-diagnose ng rhabdomyosarcoma base sa five-year survival rate.

Ang rhabdomyosarcoma ay isang rare type of cancer sa muscle tissues at kadalasang tumatama sa ulo, leeg, balakang, at tyan sa mahigit na 350 batang tinatamaan nito kada taon sa Estados Unidos.

Ayon sa mga researchers, 80% sa mga batang ito ang pwedeng gumaling sa pagsailalim sa high-dose chemotherapy, radiation, at surgery habang iyong bumalik pa ang cancer matapos ang initial treatment ay meron na lamang 20 - 30% na pag-asang gumaling.

Sa isinagawang research ni Dr. Gianni Bisogno, professor sa University Hospital ng Padova sa Italy, at kanyang colleagues, namili sila ng 371 batang susuriin na hindi bibigyan ng treatment kasunod ng initial therapy o iyong bibigyan ng anim pang buwan na maintenance therapy sa tulong ng low doses ng dalawang chemotherapy drugs.

69% five year disease-free survival rate ang para sa mga batang nag-undergo lamang ng initial treatment habang 78% sa mga nag-undergo ng siz-month long extended chemotherapy.