Close

Ex-business partner ni Kris A., pinaaresto ng korte sa Taguig

Sponsor ads


Pinaaresto na ng korte sa Taguig si Nicko Falcis na dating business partner ni Kris Aquino.

Para ito sa kaso na access device fraud.

Inirekumenda naman ng korte ang pyansa na aabot sa P60,000.

Gayunpaman, binasura ng parehong korte ang reklamo ni Aquino na qualified theft laban kay Falcis.

Matatandaan na nagsampa ng kaso si Aquino matapos gamitin umano ni Falcis ang credit card ng kanilang production company para sa ilang unauthorized purchases na aabot sa P63,000.

Magugunita na una nang ibinasura ng mga prosecutor's office sa Makati at Taguig ang mga hiwalay na reklamo ni Aquino laban kay Falcis.