Close

Ex-US first lady Barbara Bush, tumanggi nang maospital re COPD

Sponsor ads


Tumanggi na umanong magpa-ospital si dating US first lady Barbara Bush sa kabila ng patuloy na paghina nito.

Ayon sa source, inaalagaan na lamang sa kanyang bahay sa Houston si Ginang Bush kung saan ilang panahon na rin itong naka-oxygen.

Kinumpirma na din ng tanggapan ni dating US President George Bush na totoong ayaw nang magpaospital ng dating unang ginang at mas gusto onitong makasama na lamang ang kanyang pamilya sa kanilang bahay.

Maliban kay President Bush, kasama din niyang nag-aalaga sa asawa ang kanilang anak na sina Doro, Marvion at Neil.

Base sa report, noon pang nakaraang taon pabalik-balik ng ospital ang 92 year old na si Barbara na patuloy na lumalaban sa Chronic Obstructive Pulmonary Disease o COPD gayundin ang congestive heart failure nito.