Close

Ex-Pangasinan Gov. Espino Jr, stable na ang kondisyon

Sponsor ads


Stable na ang kondisyon ni dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr. mula sa pananambang sa kanya kasama ang ilang bodyguard sa Magtaking, San Carlos City, Pangasinan.

Nilinaw rin ni San Carlos City Mayor Julier na isa lamang sa bodyguard ni Espino ang nasawi.

4 sa tauhan ni Espino kabilang ang isang driver at bodyguard na mga pulis ang matinding nasugatan sa insidente matapos protektahan ang dating opisyal sa gitna ng pamamaril.

Bagamat sugatan ang drayber ay naimaneho pa nito ang sinasakayang Toyota Land cruiser patungong ospital na 150 metro ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen.

Kasalukuyan nang nagpapagaling si Espino sa Holy Blessed Family Hospital.

Patuloy ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril.