Close

Ex-PCSO GM Uriarte, absuwelto sa plunder rap

Sponsor ads


Inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSCO) general manager Rosario Uriarte mula sa kanyang plunder charge, dahil wala na umanong respondent sa kaso ng umano'y P366-million diversion ng pondo sa PCSO.

Ayon sa First Division, bigo ang prosekusyon na magpresenta ng bagong ebidensya laban kay Uriarte, ang sole co-accused ng dating pangulo at ngayo'y incumbent Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo na nahaharap pa rin sa paglilitis.

Ito umano ay maliban pa sa naging desisyon ng Supreme Court (SC) kung saan nakitaan na hindi sapat ang ebidensya na kasuhan si Arroyo at co-accused nito ng non-bailable offense.

Dahil rin dito, ipinag-utos ng Sandiganbayan na tanggalin na ang hold departure order laban kay Uriarte at ang pag-release ng kanyang bail bond.

Samantala, ginamit naman ng Sandiganbayan ang SC ruling na nagbabasura sa plunder case laban kay Arroyo at dating PCSO Budget and Accounts manager Benigno Aguas para iabsuwelto rin si Uriarte.