Close

Ex-NBA star Rodman, napaiyak sa Trump-Kim summit

Sponsor ads


Hindi maitago ng dating NBA star na si Dennis Rodman ang kanyang kaligayahan matapos matuloy ang historica summit nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa Singapore.

Hindi napigilan ni Rodman na mapaluha habang inaalala ang mga death threats na natanggap niya matapos bumisita sa North Korea noong 2013.

Sinabi ni Rodman na sinalo niya lahat ang mga tinawag niyang "bullets" ng banta dahil sa pagsusulong niya ng people to people contact sa North Korea.

Nilinaw naman ni Rodman na hindi siya kasama sa formal talk pero nasa Singapore siya bilang isa sa mga nagsusulong na matuloy ang summit ng dalawang world leader .