Close

Evacuees na nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, nadagdagan

Sponsor ads


Pumalo na sa tatlo ang bilang ng mga evacuees na nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina City.

Ito ay matapos na madagdag ang dalawa pang kaso ng virus batay sa resulta ng kanilang swab test.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, nasa 100 pa ang napag-alamang reactive o nagpositibo sa rapid test at kailangang isailalim din sa swab test.

Kung matatandaan, nagpositibo sa sakit ang isang senior citizen na evacuee mula sa Barangka Elementary School na ngayon ay nasa ligtas nang kondisyon.

Nabatid na positibo na pala ito sa virus pero pinalabas pa rin ng ospital kaya't nakahawa.



Image from: pna.gov.ph