Close

Estafa, inihain vs dialysis clinic execs dahil sa 'ghost' claims

Sponsor ads


Nagsampa na ang National Bureau of Investigation ng patong-patong na reklamo laban sa mga nasa likod umano ng ghost dialysis claims sa Philippine Health Insurance Corporation.

Sumailalim na sa inquest proceedings sa Department of Justice ang isa sa mga may-ari ng WellMed Dialysis Center sa Novaliches,Quezon City na si Bryan Christopher Sy isang araw matapos siyang arestuhin na walang warrant ng NBI.

Kung maalala ay kusang pumunta si Sy sa himpilan ng NBI matapos niyang makatanggap ng subpoena bago siya inaresto.

Nahaharap si Sy at ang 9 na iba pa sa mga reklamong estafa at falsification of documents.

Kinwestyon naman ng kampo ni Sy sa Manila court ang pagdiditene sa kanya sa pamamagitan ng paghahain ng petisyon para sa writ of habeas corpus.

Gayunman ay ibinasura ito ng Manila Regional Trial Court branch 20 kung kaya't patuloy na mananatili si Sy sa kustodiya ng NBI habang pinag-aaralan ng DOJ ang kanyang mga kaso.