Close

Erich, kumanta sa rap video ni Marco Maurer

Sponsor ads


Nasorpresa ang ilang showbiz personalities nang ipamalas ni Erich Gonzales ang kanyang natatagong talento sa pag-awit.

Ito ay matapos ma-release ang music video nina Marco Maurer at Erich na may pamagat na "Won't Let You Go".

Doon ay kinanta ni Erich ang chorus sa pagitan ng mga rap verses ni Maurer.

Shinare ni Erich ang bahagi ng music video sa kanyang Instagram account kung saan ay nagkomento ang aktress na si Julia Barretto ng: "Singer?!?!????????"

Nag-reply naman si Erich sa komento ng kanyang kaibigan at sinabing: "Pagbigyan please hahaha,"

Pinuri naman nina Maja Salvador at Iza Calzado si Erich.

Samantala, kinilala naman si Erich o Erika Chryselle Gancayco bilang director sa credits ng music video.

Mababatid na si Marco ay ang kapatid ng Thai actor na si Mario Maurer na nakatambal na dati ni Erich sa Filipino-Thai movie noong 2012 na "Suddenly It's Magic."