Close

Enrile at Medialdea, nakipagpulong sa mga opisyal ng Cagayan

Sponsor ads


Nakipagpulong ang ilang mayors, vice mayors at iba pang opisyal ng Cagayan province kay dating senator Juan Ponce Enrile at Executive Secretary Salvador Medialdea sa Malacañang.

Ayon kay Medialdea, nasa 14 hanggang 16 na mga opisyal na galing sa nasabing probinsya ang dumalo sa pagpupulong at tour sa loob ng palasyo.

Dagdag pa ni Medialdea na matagal nang nakatakda ang pagpupulong at tour sa Malacañang, upang mapag-usapan ang mga kahilingan ng local officials sa kanilang mga distrito.

Sinabi naman ni Medialdea kapulong ng mga opisyal ay si Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go ngunit siya ay nasa Davao.

Siniguro naman ni Medialdea na ang problema sa lalawigan ng Cagayan kaugnay ng bagyong 'Ompong' ay tinututukan na ng Palasyo. || John Angelo Salas