Close

Empleyado ng Facebook sa US, may increase sa sweldo

Sponsor ads


Nagbigay ng increase sa sweldo ang Facebook para sa kanilang mga empleyado sa United States.

Ang dating $15 kada oras na minimum wage ng contract workers sa Amerika partikular sa San Francisco Bay Area, New York at Washington ay magiging $20 kada oras na.

Magpapasahod naman ng $18 per hour ang Facebook para sa kanilang mga empleyado sa Seattle.

Ito ang unang pagkakataon na nagpatupad ng wage increase ang Facebook sa kanilang mga empleyado simula 2015.

Sa susunod na taon ay magkakaroon muli ng dagdag na sweldo.